Napansin ng pastol na dumarami na ang tupa at humihirap nang ihanap ng luntiang pastulan. Marami namang pastulan, pero mahirap puntahan. "Bakit ako magpapakahirap? Ano kaya ang dapat kong gawin?" napaisip ang pastol. "Bawasan ko kaya ang mga tupa? Pigilan ko kaya ang kanilang pagdami? Ang hirap alagaan ang ganito karaming tupa."
***
Psalmo 23
Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos.
Handog niyang himlaya'y sariwang pastulan.
Ang pahingahan ko'y payapang batisan.
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan.
Sa tumpak (matuwid!) na landas, siya ang patnubay.
Madilim na lambak man ay tatahakin ko.
Wala akong sindak; siya'y kasama ko.
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.
Tangan niya'y pamalo, sigla't tanggulan ko.
No comments:
Post a Comment