Pakibasa po ng malaman nyo electric bill natin!God bless the Philippines.
Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan..:)
Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman..
Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na, palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage ! at kung ano ano pa...
At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng meralco..
Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday.. pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill...
Generation charge
Tax on Generation charge
Transmission charge
Tax on Transmission charge
System loss
Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies
Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate
subsidies
Local franchise tax
Universal charges
I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin?
Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten..
Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa makaalis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51 cents /kwh.
Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax...
At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax..
At eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax.. t! his time yung 12% e-vat. Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang muli ng isa pang tax...
Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po)
At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag bid.
SO si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market. Idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag tatransport ng coal... na shempre muling pagkakakitaan ng mga napocor
executives.. .
Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no?
Sharing you some thoughts, stories, anecdotes, quotations, encounters, which have helped me look into myself, enter into prayer, and venture into action. Some are my personal reflections - stirrings of the Holy Spirit. Some are echoes - the Holy Spirit stirring other people - which have sent me echoes of grace. May these be for you too, stirrings of the Lord and Giver of Life, and echoes of his dynamism and vitality at work in our everyday story.
Saturday, July 26, 2008
System loss etc.
Received this through e-mail:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Abah! Enjoy na enjoy pala sila..
Pa-share naman!
Post a Comment